LICAB, Nueva Ecija – Patay ang magsasaka matapos pagbabarilin sa bukid sa Purok 6, Barangay San Casimiro, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Gregorio Borses y Lucas, 51, ng nasabing barangay, na nagtamo ng ilang tama ng bala sa katawan.

Bigla umanong sumulpot ang suspek na si Romeo Borses y Bumatay, 38, at nilapitan ang biktima saka makailang beses binaril, dakong 6:30 ng gabi.

Nahaharap si Borses sa kasong murder.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

-Light A. Nolasco