TOKYO (Reuters) – Dumating ang top aide ni North Korean leader Kim Jong Un sa Singapore nitong Lunes ng gabi, iniulat kahapon ng Japanese public broadcaster na NHK, ang huling indikasyon na matutuloy ang summit nila ni U.S. President Donald Trump sa Hunyo 12.

Si Kim Chang Son, de facto chief of staff ni Kim, ay dumating sa sa Singapore mula Beijing nitong Lunes ng gabi, saad sa ulat.

Kasabay nito, tumulak naman ang isang grupo ng mga opisyal ng U.S. government, kabilang si White House deputy chief of staff for operations Joe Hagin, mula sa U.S. Yokota Air Base sa Japan patungong Singapore nitong Lunes ng gabi, ayon sa NHK.

Sinabi ng White House na ang “pre-advance” team ay bibiyahe sa Singapore para makipapulong sa North Koreans.
Internasyonal

Bangkay ng Pinay OFW, natagpuang nabubulok na sa bakuran ng Kuwaiti national