CAMP OLIVAS, Pampanga – Sa pagpapatuloy ng operasyon laban sa ilegal na droga, inaresto ng Bulacan police ang isang bagong halal na barangay official sa San Rafael nitong Huwebes.

Sa ulat mula kay Senior Supt. Chito G. Bersaluna, acting Bulacan police director, kinilalal ni Chief Supt. Amador V. Corpus, Central Luzon police regional director, ang suspek na si Doris Santos Abrahan, alyas Konsi, 50, kagawad ng Barangay Sampaloc, San Rafael, Bulacan.

Ayon sa Bulacan police, inaresto si Abraham sa buy-bust operation sa nasabing lugar, nitong Huwebes ng umaga.

Nakuha kay Abraham ang 6 na pakete ng umano’y shabu, na may bigat na 0.0678 gramo, at ang marked money.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

-Freddie C. Velez