Ipinagpaliban ng Manila Regional Trial Court ang pagdinig sa hiling ng customs fixer na si Mark Taguba na makapagpiyansa sa kasong illegal drugs importation kaugnay sa nakalusot na P6.4 bilyong shabu shipment noong 2017.

Sa pagdinig sa Manila RTC Branch 46, nagpasya ang hukom, alinsunod sa manifestation ng prosekusyon at panig ng depensa, na tapusin muna ang markings of evidence na bahagi ng pre-trial.

Nakadepende kasi sa tibay ng ebidensya ng prosekusyon kung papayagan ang hirit ni Taguba na pansamantalang makalaya.

Itinakda ng hukuman na tapusin ang ocular inspection sa mga ebidensya mula sa kustodiya ng National Bureau of Investigation sa Hunyo 6, 14, 20 at 27.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

-Beth Camia