Pinaulanan ng papuri ng mga tunay at tapat na kasapi ng PDP-Laban ang kanilang presidente na si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III sa naging sakripisyo nito para sa higit na ikabubuti ng Senado at ng bayan.

Pinili ni Pimentel si dating Senate Majority Floor Leader Vicente “Tito” Sotto III bilang kanyang kapalit makaraang bumaba sa tungkulin bilang paghahanda sa kanyang re-election sa 2019 mid-term elections.

“Ipinakita ni Pimentel ang kanyang husay at statesmanship na inaasahan sa isang lider ng ruling Party na unahin ang interes ng bansa at ng kanyang institusyon kaysa personal na kagustuhan,” sabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi, na tumatayo ring national vice chairman ng PDP Laban.

Sinusugan naman ng mga opisyal ng PDP-Laban sa buong bansa ang saloobin ni Cusi.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20