Inaprubahan kahapon ng Commission on Appointment (CA) si Sherrif Abas bilang bagong chairman ng Commission on Elections (Comelec), kapalit ng nagbitiw na si Andres Bautista.

KUMPIRMADO! Kinumpirma na ng Commission on Appointment ang pagkakatalaga kay Sheriff Abas bilang chairman ng Commission on Elections, kapalit ni Andres Bautista, na nagbitiw noong 2017.

KUMPIRMADO! Kinumpirma na ng Commission on Appointment ang pagkakatalaga kay Sheriff Abas bilang chairman ng Commission on Elections, kapalit ni Andres Bautista, na nagbitiw noong 2017.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, si Abas ang unang Muslim na naging chairman ng Comelec, at nakatakdang magtapos ang termino sa Pebrero 2, 2022.Taong 2015 nang itinalaga si Abas ni dating Pangulong Benigno Aquino III, at nagsilbi ring regional director ng Civil Service Commission sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ang pagtatalaga kay Abas ay suportado rin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).“Ang inaasahan natin ay maging patas siya, non-partisan, kasi alam mo mayroon ngang isang ginawang halimbawa sa aming discussion sa CA, maaaring napakaganda ng batas mo, pero kung ang mga nagpapalakad hindi naman magagaling ay sayang lang,” ayon naman kay Senador Grace Poe.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

-Leonel M. Abasola