MAS lumaki ang pamilya ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa pagpasok ng second conference.

Kaugnay ito ng kanilang hangarin na mabigyan ng pagkakataon ang mga basketbolista sa bawat sulok ng bansa na maipamalas ang kanilang talento.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa kabuuang bilang na 24 ang mga koponang kabilang sa liga.

“The vision of the league is to give a chance to homegrown players. Now may 24 teams tayo, we’re still striving to be a place for many more homegrown players,” pahayag ni MPBL commissioner Kenneth Duremdes.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sa pagtatapos ng kanilang first conference noong nakaraang buwan kung saan nagkampeon ang Batangas Athletics, ang iba pang mga naunang miyembro ng liga ay ang runner-up Muntinglupa cagers, Bataan Defenders (now Risers), Bulacan Kuyas, Caloocan Supremos, Imus Bandera, Navotas Clutch, Paranaque Patriots, Quezon City Capitals, at Valenzuela Classic.

Ngayon, may 14 na bagong koponan na makakatunggali.

Kabilang sa mga bagong MPBL teams ay ang Cebu Sharks, Davao Occidental Tigers, General Santos Warriors, Laguna Heroes, Makati Skyscrapers, Mandaluyong El Tigre, Manila Stars, Pasay Voyagers, Pampanga Lanterns, Pasig Pirates, San Juan Knights, at Zamboanga Valientes.

Umentra rin ang Rizal at Marikina, ngunit wala pa silang official monickers.

Ibinalita din ni Duremdes na may mga koponan pa ring nag-a-apply at tiniyak niyang mas pagbubutihin pa nila upang mas maging matagumpay ang susunod na conference na magbubukas sa susunod na buwan.

“You can expect every game to be a full-packed game. Yun yung naging initial success ng liga - yung nakakalaro yung sinasabi nating local heroes,” ani Duremdes.

Nagpasalamat din ang MPBL chief sa pagsang-ayon ng mga koponan mula Visayas at Mindanao na lahat ng kanilang mga laro ay idaraos lahat sa Luzon.

-Marivic Awitan