BANGKOK (Reuters) – Idineklara ng Thai police ang Government House sa Bangkok at mga kalye sa paligid nito bilang no-go zone para sa nakaplanong martsa ng oposisyon ngayong araw na magmamarka ng apat na taon simula ng kudeta noong Mayo 22, 2014, at binalaan ang mga nagpoprotesta na huwag suwayin ang junta ban sa public gatherings. Tinatayang 3,000 pulis ang magbabantay sa martsa, na magsisimula sa Thammasat University ng Bangkok at magtatapos sa Government House sa layuning i-pressure ang gobyernong militar na magdaos ng general election sa Nobyembre.

Ang junta, kilala bilang National Council for Peace and Order (NCPO), ay paulit-ulit na ipinagpaliban ang eleksiyon ngunit ngayon ay iginiit na matutuloy ito sa Pebrero. Inagaw ng militar ang kapangyarihan noong 2014 kasunod ng ilang buwang mga protesta sa lansangan at kaguluhan sa politika.

Nananawagan ang “We Want Voting Movement”, alyansa ng anti-military groups, sa junta na itigil na ang pagpapaliban sa petsa ng halalan.

“Thailand cannot be a democratic country ... if there is no political participation,” saad sa pahayag ng grupo.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture