CARACAS (AFP) – Hindi nakagugulat na si President Nicolas Maduro ang idineklarang panalo sa halalan sa Venezuela nitong Linggo na ibinasura namang imbalido ng kanyang mga karibal, at nanawagan ng panibagong eleksiyon.

Naghihirap sa economic crisis, nasa 46 porsiyento lamang ng mga botante ang bumoto sa eleksiyon na binoykot at kinondena ng halos karamihan ng pandaigdigang komunidad, ngunit nagbigay kay Maduro ng pangalawang termino hanggang sa 2025.

‘’We do not recognize this electoral process as valid, as true,’’ sinabi ng kanyang karibal na si Henri Falcon sa news conference, bago ang resulta ng botohan. ‘’For us, there were no elections. We have to have new elections in Venezuela.’’

Pinuri naman ni Maduro ang kanyang six-year term na ‘’historic record’’ sa talumpati sa libu-libong tagasuporta sa labas ng Miraflores Palace sa Caracas.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Sa official result, nakuha ni Maduro ang 67.7% ng boto, malayo sa 21.2% na nakuha ni Falcon.