PANGUNGUNAHAN nina Woman National Masters Christy Lamiel Bernales at Jean Karen Enriquez ang koponan ng Mandaluyong Chess Team sa pagtulak ng 2018 Philippine National Games (PNG) chess event ngayon sa Cebu City.

Si Bernales ang top player ng University of the Philippines (UP) Diliman habang si Enriquez naman ang ipinagmamalaki ng Jose Rizal University (JRU) na pareho ng nagbigay ng hindi na mabilang na karangalan sa bansa pagdating sa pang internasyunal na torneo sa larangan ng sports.

Makakasama nila sa pagkumpleto ng Mandaluyong chess team na suportado nina Mayor Carmelita “Menchie” Aguilar Abalos, dating mayor Benjamin “Benhur” de Castro Abalos Jr. at Mandaluyong Sports Development head Noel “Big Daddy” Bernardo ay sina Filipino at United States chess master Almario Marlon Bernardino Jr. at Ricardo “Larry”Jimenez habang aaktong chess official naman si Antonio “Jun” Cruz Jr.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!