Mariing itinanggi ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde ang alegasyon na may kaugnayan umano sa crackdown ng mga pulitikong nasa drug watch list ni Pangulong Duterte ang pananambang kamakailan kay Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot, at ang pagpatay sa dating La Union congressman na si Eufranio Eriguel.

Gayunman, ipinagdiinan ni Albayalde na dapat ay matagal nang dumulog sa awtoridad ang mga opisyal na nasa drug list ng Pangulo upang linisin ang kanilang pangalan.

“During the first few days of (former) chief PNP (Ronald) dela Rosa, remember he summoned some of his men who were in the drugs watch list and the names of some of them were cleared,” dagdag ni Albayalde.

Tinukoy ni Albayalde ang pakikipagkita ni Dela Rosa sa tatlo sa limang police general na pinangalanan ni Duterte na sangkot umano sa ilegal na droga: sina dating Police Director Joel Pagdilao, Chief Supt. Edgardo Tinio, at Chief Supt. Bernardo Diaz.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Bukod kay Loot, na dating police general, kabilang din sa listahan si dating PNP Deputy Director General Marcelo Garbo.

Una nang nalinis ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pangalan ni Eriguel noong 2017.

-Martin A. Sadongdong