ILALARGA ng Philippine Volleyball Federation (PVF), sa pakikipagtulungan ng Joe Cantada Sports at Tanduay Athletics, ang Under 18 Indoor Volleyball (boys and girls) gayundin ang Under 18 Beach Volleyball sa multiple volleyball courts sa Mayo 26-27 sa Cantada Sports Center sa Taguig City.

Tanging ang mga players na may edad 18 , isang araw bago ang final day ng kompetsyon, ang papayagang makalaro sa libreng torneo na inorganisa ng Philippine Volleyball Federation (PVF).

Para sa mga koponang magmumula sa malalayong lalawigan, ipinahayag ni PVF President Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada, na libre ang accommodation at snacks.

Walang entry fee na babayaran ang mga kalahok at bukas para sa lahat ng school teams, club teams at iba pa. Para sa karagdagang katanungan, makipag-ugnayan sa 09266939640 at 09178332353.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“We would appreciate an early response so we could determine the total field which is very important to the organizers.. Deadline for registration will be ten (10) days before the event,” pahayag ni Cantada.