Ni Beth Camia

Hindi sumipot sa unang araw ng preliminary investigation sa reklamong inihain ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at ng Vanguard of the Philippine Constitution, Inc. (VPCI) kaugnay ng kontrobersiya sa Dengvaxia vaccine si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ang abogado lamang ni Aquino na si Atty. Mildred Umali ang tumanggap ng kopya ng mga reklamo.

Maging sina sating Health secretary Janet Garin at kasalukuyang DOH Secretary Francisco Duque ay hindi rin nakadalo, habang ang mga opisyal ng Zuellig Pharma ay nagpadala na lamang ng abogado.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Humarap naman sa pagdinig ang ilan sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng DOH na respondent din sa reklamo.

Ipinaliwanag naman ni Senior Assistant State Prosecutor Rossanne Balauag ang desisyon ng panel of prosecutors na ituloy ang pagdinig sa kaso.

Itinakda ng panel ang susunod na pagdinig sa Hunyo 4.