Ni BETH CAMIA

Hindi pa tapos ang usapin tungkol sa quo warranto petition laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ang paglilinaw ni Atty. Josa Deinla, isa sa mga tagapagsalita ni Sereno, kahit pa kinatigan na ng Supreme Court (SC) ang naturang petisyon na kumukuwestiyon sa validity ng appointment ng dating punong mahistrado.

Nilinaw ni Deinla na hindi maituturing na “ousted” na talaga si Sereno sapagkat may isinusulong pa silang motion for reconsideration.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Samantala, naniniwala ang isang dating mambabatas na malakas ang laban ni Sereno kapag maghain ito ng motion for reconsideration para iapela ang desisyon ng SC.

Ayon kay Atty. Neri Colmenares, presidente ng National Union of Lawyers in the Philippines (NULP), manipis ang pagitan ng mga pumabor at kumontra sa naturang petisyon.

Kapag inapprubahan, aniya, ang apela ni Sereno at isa sa mga pumabor ang magbabago ang desisyon ay mababaligtad ang desisyon ng SC at muling makakabalik sa puwesto si Sereno.

Nitong Biyernes, pinaboran ng walong mahistrado ang quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida laban kay Sereno, habang anim ang tumutol dito