CALIFORNIA (AP) – Kipkip ng Warriors ang titulo, karanasan at determinasyon para manatiling kampeon. Sa kabila nito, mataas ang pagtingin nila sa karibal sa Western Conference Finals.
Para kay Golden State coach Steve Kerr, sapat ang pinaghuhugutan ng Warriors para makamit ang ikaapat na sunod na NBA Finals. Sa kanilang paglalakbay, tinik sa landas ang top-seeded Houston Rockets ngayong season. Nangunguna sa Rockets sina star point guard Chris Paul at James Harden, sa gabay ni head coach Mike D’Antoni.
Sa kabila nito, naniniwala si Kerr na taglay ng Warriors ang sapat na lakas at kahandaan para tapatan ang hamon ng Rockets.
“They are taking the challenge and they’re embracing it,” pahayag ni Kerr sa panayam habang hinahanda ang Warriors sa ensayo.
“But we seem to be at our best when we are threatened. That’s been kind of the M.O. of this team, and we’re definitely threatened.”
Hindi biro at madali ang haharaping laban ng Warriors, ngunit kumpiyansa si Kerr na nananatiling naglalagablab ang damdamin ng koponan para sa kampeonato.
“Our guys have rings,” samba ni Kerr.”That’s a good position to be in.”
“We’re going to go in here knowing we’re the defending champs, knowing we got a couple of championships here the last few years,” Kerr added. “Let’s go get another one. It’s a nice feeling to have and to go into a series with,” aniya.
Nakatakda ang Game 1 ng best-of-seven series sa Lunes (Martes sa Manila).