LIMANG junior netter na nasa pangangasiwa ng Unified Tennis Philippines ang sasabak sa International Tennis Federation (ITF) event sa Malaysia.

Tumulak patungong Kuala Lumpur sina Stephen Guia, Marc Suson, Pherl Coderos, Anna De Myer at Denise Bernardo para makibaka at makakuha ng ranking points laban sa matitikas na karibal sa rehiyon sa 16-and-under division ng ITF Malacca International Junior Championship.

“I am very thankful to UTP for the chance to play in the ITF Malaysia. I’m very excited as this is my first time to compete abroad,” pahayag ni De Myer.

Kabilang ang lima sa 19 na Pinoy netters na napili ng UTP batay sa tangan na ranking sa ilalaim ng national ranking system matapos ang 125 UTP-sanctioned tournaments sa bansa.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kasama rin sa national junior tennis team na sasabak din sa iba’t ibang torneo sa abroad na sanctioned ng ITF at Asian Tennis Federation ay sina John David Velez, Brent Cortez, Rainier Selmar, Rupert Tortal, Macie Carlos, Alexa Milliam, Casey Padilla at Alexandra Eala (U14), gayundin sina Michael Eala, Stephen Guia, Laurenz Quitara and Rovie Baulete (U16).

Kabilang naman sa U18 team sina Manuel Balce III, Marc Suson, Arthur Pantino, Bea Francesca Acena, Elizabeth Abarquez, Melanie Dizon at Aubrey Calma.

Sa kasalukuyan, humirit sa torneo sa abroad sina Alex Eala, kampeon sa Les Petit 14-U European Championships sa France at Michael Eala, nakausad sa quarterfinal sa China Junior sa Chengdu.