(AP/AFP)- Nagbukas ang mga polls precinct sa buong Iraq nitong Sabado, para sa unang pambansang halalan simula nang ideklara ang kalayaan ng Iraq mula sa Islamic state group.

Tinatayang nasa 24.5 milyong Iraqis ang nakiisa sa botohan na umaasang muling matamasa ang kapayapaan at pag-unlad ng bansa.

Mahigit 7,000 kandidato mula sa iba’t ibang alyansa ang naghahangad na makasilat ng puwesto sa 329 na bakanteng posisyon sa pamahalaan.

Sa unang pagkakataon, gagamit ng electronic device ang Iraq upang maiwasan ang dayaan.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Sa kabila ng mababang karahasan na naitala sa simula ng kampanya, mahigpit pa rin ang ipinatupad na seguridad sa buong bansa dahil na rin ng tensiyon mula sa sigalot sa pagitan ng Iran at ng Estados Unidos.