Ni Annie Abad
MABIBIGYAN ng sapat na kaalaman at malawak na pang-unawa ang mga local sports officials at coach ng National Team bunsod ng kasunduan na naselyuhan ng Philippine Sports Commission (PSC) at United States sports Academy (USSA).
Sa ginanap na press briefing kahapon, ipinahayag ni PSC chairman William “Butch” Ramirez na ang mga guro buhat sa USSA ang siyang magtuturo sa kanilang mga counterparts simula sa Hulyo 28 hagganng sa pagbubukas ng klase ngayong Hulyo 2018.
“This will help us grow more when it comes to sports here in the Philippines. We are very thankful to the USSA for helping us here. PSC will serve as a host for this noble work,” pahayag ni Ramirez.
Bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng nasabing programa ang mga estudyante na maaring makatanggap ng Certifcate at diploma sa Sports management ang mga national coaches, Department of Education (DepEd)Teachers, PSC at POC officials at mga NSAs officials upang magkaroon ng PhD sa larangan ng sports.
Kabilang sa mga magiging pamantayan sa pagpili ng mga estudyante ay ang kanilang bachelor’s degree sa apat na taong kurso sa kolehiyo, partikular na ang management courses, sports at physical education courses., kasama din ang 4 years managerial experience at may edad na 45-ayos pababa.
Target ng programa ang kabuuang 100 na estudyante kung saan ang 20 ay magmumula sa PSC Middle at Top managers, 40 POC Leaders at NSA officials, 20 buhat sa state colleges at Universities, 10 sa DepEd at 10 sa private colleges at Universities.
Ang nasabing kurso ay gagawin ng limang araw sa dalawang grupo ng mga estudyante na tatagal ng dalawa hanggang 3 linggo bawat buwan buhat sa Hulyo hanggang sa Abril ng susunod na taon.
“This is a very important project for the PSC. Malay n’yo kahit na wala na kami sa PSC magkaroon tayo ng mga officials na may Phd sa sports,” pahayag ni Ramirez.
Nauna nang isinagawa ang nasabing partnership sa pagitan ng USSA at PSC noong 1986 pa na unang ginanap sa University of Life (ULTRA) na siyang nais lamang na ipagpatuloy ng kasalukuyang administrasyon ng ahensiya.