TINANGHAL na kampeon ang Purok 2 sa senior division ng 2018 Palarong GS Inter-Purok basketball tournament sa Amang Rodriguez Subd. covered court sa Marikina City.

ANG Purok 2 champion team sa Palarong GS Inter-Purok basketball tournament sa Marikina City.

ANG Purok 2 champion team sa Palarong GS Inter-Purok basketball tournament sa Marikina City.

Sa pangunguna ni RJ De Leon, pinabagsak ng Purok 2 ang Purok 4, 76-67, sa kanilang winner-take-all title showdown sa prestihiyosong kumpetisyon na itinaguyod nin Kap.Gerry Sto. Domingo at ang kanyang barangay council.

Nahirang si De Leon na Most Valuable Player matapos bumida sa naitumpok na 25 puntos para sa Purok 2.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kasama ni De Leon sa Mythical Team sina Charles Dizon at Muning Corpuz ng Purok 4; Randel Parente ng Purok 2; at Jeff Baylon ng Purok 6.

Pumangatlo sa kumpetisyon ang Purok 6.

Samantala, ang Purok 3 ay namayani laban sa Purok 1, 83-78, upang masungkit ang kampeonato sa junior division, habang ang Purok 1 ay nakaungos laban sa Purok 3, 83-81, upang iuwi ang titulo sa midget division.

Nagpasiklab si Gaby Diño sa kanyang 30 puntos, kabilang ang pitong three-pointers, para sa Purok 3 laban sa Purok 1 sa junior division.

Sinamahan si Diño, na siyang nahirang na MVP, nina Reuno Morelos ng Purok 3, Kobe Mallari at Lanz Lopez ng Purok 1 at Ace Tiamzon ng Purok 7. Si Jethro Escoto ang nagpasiklab sa Purok 1 sa kanyang 33 puntos sa midget class. Napili ding MVP si Escoto.

Kasama ni Escoto sa Mythical Team sina Faith Exequiel ng Purok 1, Russell Go Teng at Ron Cajayon ng Purok 3 at Laurence Ibarrola ng Purok 7.

Ang naturang kumpetisyon ay sinuportahan din nina barangay sports director Boy Francisco, liaison officer Florante “Bong” Vergara, Gilbert “Barok” Lim ar Lito “Big J” Josef. Si Jerry Teobengco ang nagsilbing commissioner.