Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Itinalaga ni Pangulong Duterte si dating Manila Vice Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso bilang bagong undersecretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Pinili si Domagoso makalipas ang halos pitong buwan simula nang magbitiw ito sa puwesto bilang chairman at Chief Executive Officer ng North Luzon Railways Corp. (NORTHRAIL), dahil sa personal na dahilan.

Nilagdaan ng Pangulo ang appointment paper ng dating Manila vice mayor nitong Martes.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa ipinadala nitong mensahe sa Balita, sinabi ni Domagoso na nagpapasalamat siya sa tiwalang ibinigay sa kanya ni Pangulong Duterte.