KABUUANG 96 batang atleta, sa pangunguna nina Palaro record breaker Jessel Lumapas, Kasandra Alcantara at Francis James San Gabriel, double gold winner Algin Gomez at Bicolana barefoot running dynamo Lheslie de Lima ang potensyal na mapasama sa National Team ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA).

“These are the promising athletes we discovered in the palaro and we will train and harness their skills for future international competitions,” sabi ni PATAFA official Edward Kho, personal na nakasaksi sa kahusayan ng mga bata sa nakalipas na Palarong Pambansa sa Ilocos Norte.

Nagtala si Lumapas ng Cavite ng bagong record sa 400m secondary girls sa 56.28 sugundo para lagpasan ang dating marka na 57.33 ni Jenny Rose Rosales at tinanghal pinakamabilis na mananakbong babae katapat ni Veruel Verdadero sa boys class.

Ang taga Quezon City na si Alcantara na lumaro sa NCR ay gumawa ng bagong record sa shot put (11.88 meters), higit sa lumang marka na 11.20 meters ni Marilyn Barrios na nagawa noong 1992 sa Zamboanga, at si San Gabriel ng Pangasinan nagtala bagong record na 9:33.01 sa 2000m walk at binasura ang dating 11:11.3 ni Bryan Oxales.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Si Gomez, tubong Cagayan, ay nagwagi sa long jump at triple jump, ang barefooted na si De Lima ay nanalo si 3000m run at si Buenavista, anak ni marathon record holder at multi-titled SEA Games Eduardo Buenavista, ang kampeon sa 5000m run.

Kasama sa mga natuklasan ng PATAFA ay sina Vince Jayson Behhayo, David Jerome Granadozo, Gerard Nepomuceno, Bianca Jane Combate, Decerie Jane Niala, at Eliza Cuyom tinanghal pinakamabilis na runner sa kanilang divisions.

Sinabi ni Kho na nakausap na niya ang mga coaches at staff at handa silang isailalim sa pagsasanay ang mga batang atleta.

Ayon kay Kho kailangang maihanda ang mga atleta para sa paghahanda sa Southeast Asian Youth Games gagawin sa huling linggo nang buwan kasalukuyan sa Ilagan Sports and Cultural Center kung saan gagawin ang National Open Invitational Athletics kung saan tampok ang mga Asian Games-bound athletes at mga invited foreign athletes sa Malaysia, Singapore, Brunei, Sri Thailand, at Timor Leste.

Ang dalawang torneo ay sinuportahan ng Philippine Sports Commission sa pamumuno ni Chairman William Ramirez.

“We will also contemplating train and develop secondary athletes for the 2019 Southeast Asian Games in Manila,” sambit ni Kho.

Kasama sa mga bagong tuklas ay sina Erwin Mancao, Jumell Gonzales, Rithcie Estamapdor, Fernando Reyes, Jerry Vasquez, Abegail Manzano, Grace Tejones, Lheslie de Lima, Camila Tubiano, Nekie Hope Cabangal, Alana Julianne Halaguena, Laurize Jeante Wangkay, John Aragon Arandia, Peter Lachica, Riza Jane Vallente, Aaron Vincent Merinm, Kerry Calumpang, at Jerico Pacis