WC Finals, nangangamoy Warriors vs Rockets

NEW ORLEANS (AP) — Matindi ang patutsada ng home crowd, at matikas muli ang ratsada ng Pelicans, ngunit sa pagkakataong ito handa ang Golden State Warriors.

KAHIT pilipit ang porma, nagawang makaiskor sa putback si Golden State Warriors forward Draymond Green laban sa depensa ni New Orleans Pelicans forward E’Twaun Moore sa sang tagpo ng kanilang laro sa Game 4 ng Western Conference playoff. Nanaig ang Warriors para sa matikas na 3-1 bentahe. (AP)

KAHIT pilipit ang porma, nagawang makaiskor sa putback si Golden State Warriors forward Draymond Green laban sa depensa ni New Orleans Pelicans forward E’Twaun Moore sa sang tagpo ng kanilang laro sa Game 4 ng Western Conference playoff. Nanaig ang Warriors para sa matikas na 3-1 bentahe. (AP)

Nagsalansan si Kevin Durant ng 38 puntos at siyam na rebounds para pangunahan ang Warriors sa magaan na 118-92 panalo nitong Linggo (Lunes sa Manila) para maitarak ang 3-1 bentahe sa kanilang Western Conference best-of-seven semifinal series.

Chavit Singson, pangungunahan pagpapatayo ng kauna-unahang PBA Arena?

Kampeong palaban ang itinindig ng Warriors mula simula hanggang sa final buzzer para maibawi ang 19-puntos na kabiguan sa Game 3 sa arena ng karibal.

Naitala ni Durant ang 15-of-27 shots, habang kumabig din sina Stephen Curry na may 23 puntos, Klay Thompson na may 13 puntos at nag-ambag si Quinn Cook, dating reserved player ng Pelicans sa kaagahan ng season, sa naiskor na 12 puntos.

Nanguna si Anthony Davis na may 26 puntos at 12 rebounds para sa New Orleans, na tila kinabog sa mababang 36 percent (32-of-88) sa field goal at 22-of-26 mintis sa three-point shots.

Nag-ambag sina E’Twaun Moore ng 20 puntos at Jrue Holiday na kumana ng 19 puntos. Kumubra si Rajon Rondo ng 11 rebounds, ngunit nagtamo ang Pelicans ng 19 turnovers na nagawang 21 puntos ng Warriors.

ROCKETS 100, JAZZ 87

Sa Salt Lake City, nakaumang na ang Rockets para sa susunod na pagsambulat sa Western Conference playoff.

Kinumpleto ng Houston Rockets ang dominasyon sa tahanan ng Utah Jazz, sa pangunguna ni Chris Paul na nagsalansan ng 27 puntos at 12 rebounds, habang bumuhat si James Harden ng 24 puntos para sa 3-1 bentahe sa kanilang semifinal series.

Matikas na nakibagbuno ang Jazz, sa pangunguna ni rookie Donovan Mitchell na kumabig ng 25 puntos, subalit bigo siyang balikatin ang kulang sa karanasan na Jazz at na-fouled out sa huling minuto ng laro.

Nagawang maidikit ni Mitchell ang iskor sa 80- 85 mula sa 10-2 run, ngunit umiskor si Paul sa pull-up jumper at sinundan ng three-point shot ni Trevor Ariza para muling lumobo ang bentahe sa double digit mahigit tatlong minuto ang nalalabi sa laro.

Nag-ambag si Clint Capela ng 12 puntos,15 rebounds at anim na blocks para sa Rockets.

RAPTORS PREXY, PINAGMULTA

Pinagmulta ng NBA si Toronto Raptors president Masai Ujiri ng US$25,000 bunsod nang pagpasok sa playing court sa halftime at komprontahin ang mga referee sa Game Three ng Eastern Conference semifinals sa pagitan ng Raptors at Cavaliers sa Cleveland.

Ipinahayag ang desisyon nitong Linggo (Lunes sa Manila) ni NBA president for league operations Byron Spruell.

Naisalpak ni LeBron James ang game-winner sa naturang laro para sa 3-0 bentahe ng Cavaliers.

Ikinagalit ng coaching staff at players ang tila hindi magandang tawag ng referee, higit sa no-basket call kay Serge Ibaka at hindi pagbibigay ng free throw sa isang act of shooting play ng Toronto.