Ni DENNIS PRINCIPE

SA sobrang lakas ng Philippine Cup champions San Miguel Beer, kinukunsidera na lang ngayon na isang pangarap ang hadlangan ang kanilang Grand Slam bid.

Reyes

Reyes

Umabot na sa ganitong punto ang paningin ng marami sa Beermen sapul nang kunin sa kontrobersyal na Rookie Drafting bilang top overall pick si Fil-German Christian Standhardinger.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sa kabila nito, sinabi ni multi-titled coach Chot Reyes na dapat samantalahin ng mga koponan ang pagkakataon na makakuha ng dekalidad na imports sa dalawang natitirang conferences ng season.

“Yes it is really a very dominant line-up. Pag sobra kang lyamado yung ang pinaka-nakakanerbiyos na pwesto because you know everyone’s going after you. I don’t think anyone can touch that (San Miguel) team in the All-Filipino,” ani Reyes “But with an import, especially this conference with a big import, I think may konting pag-asa. With an import there’s a sort of a neutralizing factor.”

Alam ni Reyes ang kaniyang sinasabi dahil noong coaching debut nito noong 1993, mala-Dream Team na San Miguel ang kaniyang nadatnan nang sumapi sa Beermen ang noo’y top shooter Allan Caidic kasama sina Samboy Lim, Hector Calma, Yves Dignadice, Alvin Teng, reigning MVP Ato Agustin at four-time MVP Ramon Fernandez.

Naging maalamat ang unang taon ni Reyes sa PBA coaching nang pamunuan nito ang prangkisa ng Purefoods dala ang pangalang Coney Island Ice Cream, sa 1993 All-Filipino Cup conquest kung saan tinalo nila ang San Miguel sa kanilang Best-of-Seven title series, 4-2.

Masarap man para sa kaniya na balik-balikan ang nasabing experience, iginiit ni Reyes na hindi lubos na maikukumpara ang 1993 Beermen sa kasalukuyang SMB squad kung saan magpapatrolya sa gitna sina Standhardinger at four-time MVP June Mar Fajardo.

“Pretty similar, except, iba kasi yung dimension of having two big men. Allan Caidic is a great shooter pero yung three-point shooters kasi may malas din dyan minsan. Pero yung inside player, kailan mo nakitang minalas si JuneMar (Fajardo)?,” giit ni Reyes.

Sa kabila nito, pakiramdam ni Reyes na maaring kuhanan ng inspirasyon ang kaniyang 1993 Coney Island squad na sa kabila ng presensya nina future greats Alvin Patrimonio at Jerry Codiñera, hindi ito binigyan ng kahit kaunting pag-asa na manalo laban sa San Miguel noong 1993 All-Filipino title showdown.

“We went into the Finals against a powerhouse San Miguel with a nothing to lose attitude. I thought we played very freely, with no fear and in the end pinalad kami,” dagdag ni Reyes “So, Ya I guess teams can look back and say na there is a chance. Small chance pero at least may chance.”

May pagkakataon na ang mga basketball fans at observers na manmanan ang magiging epekto ni Standhardinger sa San Miguel sa unang Commissioner’s Cup assignment ng koponan kontra Meralco Bolts ngayong Miyerkules sa Mall of Asia Arena, Pasay City