Ni Marivic Awitan

NAGPASIKLAB ang bagong koponang Vice Co. Blockbusters matapos nitong pataubin ang Philippine Army , 25-13, 25-16, 27-29, 25-21 kahapon sa pagbubukas ng Premier Volleyball League Reinforced Confidence men’s division sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Pinangungunahan ng mga outstanding collegiate stars na dating magkakatunggali sa nakaraang UAAP Season, sinamantala ng Blockbusters ang erratic na laro ng Troopers upang maipanalo ang una nilang laro.

Nagposte ng 14 na puntos si National University standout Kim Malabunga upang pangunahan ang panalo . Nagdagdag naman ng tig- 13-puntos sina Far Eastern University standout Peter Quiel at Adamson University standout Paolo Pablico at 12-puntos naman ang isa pang Tamaraws pride na si Paolo Bugaoan.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nagtala ng 34 na unforced errors ang Troopers na pinangunahan ni Benjaylo Labide na may game high 20-puntos kumpara sa 21 errors ng Blockbusters.

Tanging sa reception lamang nakuhang makalamang ng Troopers sa itinala nitong 50 excellent reception kumpara sa 39 lamang ng Blockbusters.

Hindi naman nakalaro para sa Vice Co. ang komedyanteng si Vice Ganda dahil kasalukuyan itong nasa Canada para sa serye ng kanyang konsiyerto.