Ni Reggee Bonoan

KINIKILIG ang TFC subscribers na nakasubaybay sa Sana Dalawa Ang Puso dahil ikakasal na raw sina Mona (Jodi Sta. Maria) at Martin (Richard Yap). Binalikan nila ang mga eksenang Be Careful With My Heart na unang pinagtambalan ng dalawa bilang Ser Chief at Maya.

Untitled-1

Nakakatuwang fixated kina Richard at Jodi ang maraming TFC subscribers. Kahit alam nilang may kanya-kanyang partner ang dalawa ay hindi sila bumibitaw at mas lalo raw silang kinikilig sa malalagkit na tinginan nila ngayong gumaganap naman sila bilang Martin at Mona.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

As usual, ang ikinukulit sa amin, “Kailan magkakaroon ng show dito (Amerika) sina Richard at Jodi?”

Napapanood sa umeereng kuwento ng Sana Dalawa Ang Puso na binalikan ni Lisa (Jodi) si Leo Tabayoyong (Robin Padilla) sa lugar na pinagtataguan nila at inaming mahal na niya ang dating tagalinis ng opisina nila.

Kaya namumrublema si Lisa sa nakatakdang kasal niya kay Martin dahil si Mona ang napasubong gagawa nito na sa puso niya ay gustung-gusto niya pero sa isipan niya ay ‘Si Lisa ang mahal ni Martin, Mona, huwag kang ano diyan.’

Pero duda ang TFC subscribers , “Pakiramdam ko, alam ni Martin na hindi si Lisa ang pakakasalan niya, kasi ang laki ng pagkakaiba ng ugali. May twist ‘yan.”

Kas i maraming beses nang nahuhuli ni Martin ang inaakalang si Lisa sa laki ng pagkakaiba ng ugali na sinasakyan lang nito.

Sabi pa sa amin, “Dapat si Jodi tawaging universal leading lady kasi maski kanino bagay siyang i-love team.”

Oo nga, in fairness, di ba, Bossing DMB?

(Pinakabagay siya kay Cavite Vice Governor Jolo Revilla. –DMB)