PARIS (AFP) – Kinondena ng France nitong Sabado ang mga komento ni US President Donald Trump tungkol sa 2015 attacks sa Paris, at nanawagan sa kanya na igalang ang mga biktima ng pinakamadugong pangyayari sa mga French simula World War II.

‘’France expresses its firm disapproval of the comments by President Trump about the attacks of November 13, 2015 in Paris and asks for respect of the memory of the victims,’’ ipinahayag ni Foreign Ministry spokeswoman Agnes von der Muhll.

Nagsalita si Trump tungkol sa gun laws sa France sa pagtatalumpati niya sa National Rifle Association sa Texas nitong Biyernes. Aniya, naiwasan sana ang karahasan kung pinapayagang makabili ng armas ang mga French.

‘’Nobody has guns in Paris and we all remember more than 130 people, plus tremendous numbers of people that were horribly, horribly wounded,’’ aniya sa audience. ‘’They were brutally killed by a small group of terrorists that had guns. They took their time and gunned them down one by one.’’

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Nobyembre 2015 nang umatake ang mga jihadist, armado ng assault rifles at suicide vests, sa labas ng France-Germany football match sa national stadium, mga cafe at bar, at sa Bataclan concert hall na ikinamatay ng 130 katao at ikinasugat ng mahigit 350 iba pa.