Ni Genalyn D. Kabiling

Awat muna sa pagreretiro ang mga dating pinuno ng pulisya at militar sa bansa upang muling magsilbi sa administrasyong Duterte.

Pormal na itinalaga ni Pangulong Duterte si retired Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Rey Leonard Guerrero bilang administrator ng Maritime Industry Authority (MARINA); at si retired Philippine National Police chief Director Gen. Ronald dela Rosa bilang Bureau of Corrections (BuCor) director general.

Sa appointment paper na nilagdaan nitong Abril 26, magsisilbi si Guerrero bilang pinuno ng MARINA hanggang sa Hulyo 11, 2022. Pinalitan niya si Marcial Amaro III, na sinibak ng Pangulo noong Enero dahil sa madalas na pagbibiyahe sa labas ng bansa.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1984, Oktubre 2017 nang itinalaga si Guerrero bilang AFP chief of staff. Disyembre pa dapat siya magreretiro, ngunit pinalawig ng Pangulo ang kanyang termino hanggang nitong Abril 2018.

Samantala, hahalinhan ni dela Rosa si BuCor Director General Benjamin delos Santos, na nag-resign noong nakaraang taon sa kainitan ng usapin sa panunumbalik ng kalakalan ng ilegal na droga sa National Bilibid Prison (NBP0.

Bukod kay dela Rosa, itinalaga rin ng Pangulo si Valfrie Tabian bilang deputy director ng BuCor, at pinangalanan ang anim na bagong prosecutor sa bansa: Roderick Aquino, Prosecutor I (San Fernando City, La Union); Wallad Padate, Prosecutor II (SOCCSKSARGEN); Jennifer Balboa-Cahig, Prosecutor III (Baybay City, Leyte); Nikki Esperanza, Prosecutor III (Bacoor City); Edgar Ambagan, Prosecutor IV (Tagaytay City); at Victoria Cabrera, Prosecutor IV (Dagupan City, Pangasinan).