ISINANTABI ng mga miyembro ng Philippine Karate team ang kontrobersya ng asosasyon nang dominahin ang 15th SBY Indonesia International Open Karate Championships kamakailan.

IBINIDA ng mga miyembro ng Philippine Karate team ang tropeo at mga medalya na napagwagihan sa 15th SBY Cup Indonesia International Open Karate Championships kamakailan sa Jakarta, Indonesia. (PSC PHOTO)

IBINIDA ng mga miyembro ng Philippine Karate team ang tropeo at mga medalya na napagwagihan sa 15th SBY Cup Indonesia
International Open Karate Championships kamakailan sa Jakarta, Indonesia. (PSC PHOTO)

Humakot a n g P i n o y karatekas nang 12 ginto, 2 silver at 11 bronze medal para makamit ang overall title sa torneo na nilahukan ng anim na bansa at bahagi ng pagsasanay para sa nalalapit na Asian Games sa Agosto sa Jakarta at Palembang.

Ikinalugod ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon ‘El Presidente’ Fernandez ang kampanya ng mga atleta na aniya’y matikas na nakibaka, sa kabila ng gusot na kinaharap ng Philippine Karate-do Federation (PKF).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nasa pangangasiwa ng PSC at Philippine Olympic Committee (POC) ang mga atleta matapos bawian ng ‘recognition’ ang PKF ng World Karate Federation (WKF) bunsod nang korapsyon na kinasangkutan ng mga opisyal nito.

Si dating National coach at AAK Philippines director Richard Lim ang nagsilbing coach ng koponan.

“The team faced tough challenges fighting against powerhouse Indonesia and Malaysia. The Malaysian coach ArivalaganPonniyah approached me after the tournament and congratulating us for giving them a very good challenge,” pahayag ni Lim.

Narito ang mga gold medalist:

Joco Vasquez, Gold medal (male Junior Individual Kata); Nicole Dantes, (gold, Female Junior Individual Kata; Ricca Torres, (gold, Women’s Senior Individual Kata); James De los Santos, (gold, Men’s Senior Individual Kata); RexorTacay, (gold, Men’s Senior -67kgs. Kumite); Engene Dagohoy, (gold, Men’s Senior -75kgs Kumite); Sharief Afif, (gold, Men’s Senior -84kgs. Kumite); Miyuki Tacay, (gold, Women’s Senior +60kgs. Kumite); JunnaTsukii, (gold, Women’s Senior -60kgs. Kumite); Nicole Dantes, (gold, Female Junior -48kgs. Kumite); Alexis Nunez, (gold, Male Junior -60kgs. Kumite); Joco Vasquez, (silver Male Junior -55kgs. Kumite).