MELBOURNE (AFP) – Ang finance chief ng Vatican na si Cardinal George Pell ang naging pinakamataas na paring Katoliko na humarap sa paglilitis sa sex offences nitong Martes.

Tahimik ang 76-anyos sa kabuuan ng pagdinig sa Melbourne na inutusan siyang humarap sa hurado sa ‘’multiple’’ charges, ngunit halos kalahati ng mga akusasyong ibinato sa kanya ay nabasura.

‘’Not guilty’’, ang malakas at walang pag-aalinlangang sinabi ng top aide ni Pope Francis nang tanungin sa kanyang plea. Ito ang kanyang iginigiit simula nang siya ay akusahan noong nakaraang taon.
Internasyonal

Pamilya ng Pinay na pinaslang umano ng foreigner na asawa nito, nanawagan sa gobyerno