Ni Fer Taboy

Ipinag-utos na ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde ang pagtutok ng kanyang mga tauhan sa tumitinding away-pulitika sa Mindanao region.

Ito ay kasabay na rin ng pagpapadala ni Albayalde ng karagdagang puwersa ng pulisya sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) upang matiyak na maiiwasan ang election-related violence sa lugar.

Sa taya ng PNP, aabot sa 5,744 na barangay sa bansa ang nasa election hot spots, kabilang ang 832 sa ARMM.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Bukod dito, inilagay naman ng pulisya sa Category 3 ang 172 barangay, kung saan maraming naitalang banta ng kaguluhang may kaugnayan sa halalan.

Dahil dito, sinabi ni Albayalde na mag-iikot siya sa Mindanao upang masiguro ang mahigpit na seguridad sa lugar ilang linggo bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mayo 14.