WASHINGTON (AFP) – Tinatarget ng jihadists ang journalists sa Afghanistan dahil nanghihina na sila at nais magpapansin para masira ang electoral process ng bansa bago ang eleksiyon sa Oktubre, sinabi ni Pentagon chief Jim Mattis nitong Lunes.
‘’This is the normal stuff by people who cannot win at the ballot box, so they turn to bombs,’’ ani Mattis nang tanungin tungkol sa double suicide blast sa Kabul na ikinamatay ng 25 katao, kabilang ang walo pang journalists.
Kinagabihan ng Lunes ay kinumpirma ng BBC na isa sa reporters nito, ang 29-anyos na si Ahmad Shah, ang nasawi sa hiwalay na pag-atake sa eastern Khost province, malapit sa hangganan sa Pakistan.