KAPWA pinataob ng University of Santo Tomas Tigresses at Enderun Lady Titans ang kani-kanilang karibal sa opening women’s matches ng 24th Fr. Martin Cup summer tournament nitong Biyernes sa La Consolacion College gymnasium sa Mendiola, Manila.

NAGAWANG makaiskor ni Lorraine Capili ng UST laban sa depensa ng Far Eastern University sa isang tagpo ng kanilang laro sa Fr. Martin Cup.

NAGAWANG makaiskor ni Lorraine Capili ng UST laban sa depensa ng Far Eastern University sa isang tagpo ng kanilang laro sa Fr. Martin Cup.

Naisalpak ni Misaela Larosa ang winning basket may 20 segundo ang nalalabi sa laro para sa 52-51 panalo ng UST kontra Far Eastern University sa torneo na suportado ng Cocolife.

Kumubra si Larosa ng game-high 11 puntos.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Naungusan ng Lady Titans ang National University Lady Bulldogs, 41-37.

Sa seniors division, nginata ng National University Bulldogs ang La Conscolacion, 71-49, ihabang nanaig ang University of Perpetual Help Altas sa San Beda Red Lions, 83-61.

Sa junior side, ginapi ng University of Perptual Help Junior Altas, sa pangunguna ni Josh Gallano sa natipang 16 puntos, ang First City Providential College of Bulacan, 73-63.

Kabuuang 39 eskwelahan ang sumabak sa 24th Fr. Martin Cup summer tournament na nagsimula nitong April 14 sa St. Placid gymnasium ng San Beda Manila campus sa Mendiola.

Ayon kay organizing committee chairman Edmundo Badolato, kabilang ang defending champion Diliman College Blue Dragons sa 12 koponan sa senior division.

Sinabi naman ni Commissioner Robert de la Rosa na may siyam na kalahok sa women’ division