Ni Liezle Basa Iñigo

Patay ang isang parish priest sa Cagayan nang barilin ng isang hindi pa nakikilalang lalaki, pagkatapos nitong magmisa sa Gattaran, Cagayan kahapon.

Sa report na natanggap ni Senior Insp. Sharon Mallillin, public information officer ng Cagayan Provincial Police Office, kinilala ang biktima na si Fr. Mark Anthony Ventura, tubong Naruangan, Tuao, Cagayan, at nakatalaga sa San Isidro Labrador Mission Station sa Barangay Mabuno, Gattaran.

Sa ganap na 8:15 ng umaga, katatapos lamang magmisa ni Ventura at binibendisyunan na nito ang mga bata at ang mga miyembro ng choir nang maganap ang insidente sa isang gymnasium sa Bgy. Peña Weste, Gattaran, Cagayan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang nasa likod ng pamamaslang at ang motibo nito.