Nakarating na sa bansang Pakistan si United States (US) Vice President JD Vance para pangunahan ang delegado ng kanilang bansa sa pakikiisa sa Islamabad Talk na naglalayong magsulong negosasyon para mahinto ang giyera sa Middle East.
Ayon sa inilabas na pahayag ng Government of Pakistan sa kanilang “X” account nitong Sabado (araw sa Pilipinas), Abril 11, 2026, mapapanood ang naging pagtanggap kay Vance nina Pakistan Deputy Prime Minister/Foreign Minister Senator Mohammad Ishaq Dar, Chief of Defence Forces and Chief of Army Staff Field Marshal Syed Asim Munir, at Minister for Interior Syed Mohsin Raza Naqvi.
Kasama umano ni Vance na makikiisa bilang delagado ng US sina Special Envoy Mr. Steve Witkoff at Mr. Jared Kushner.
Maghaharap sa Islamabad Talk ang delegado ng mga bansang Iran, US at iba pa upang magsulong ng negosasyong mapagkakasunduan nila para itigil ang putukan sa Gitnang Silangan.
“Welcoming the US Vice President, the DPM/FM commended US commitment to achieving lasting regional and global peace and stability,” anang Government of Pakistan.
Anila, umaasa si Deputy Prime Minister/Foreign Minister Ishaq Dar na makakabuo ng solusyon ang delegado ng mga nabanggit ng bansa upang magkaroon na ng kapayapaan.
“DPM/FM expressed the hope that parties would engage constructively, and reiterated Pakistan’s desire to continue facilitating the parties towards reaching a lasting and durable solution to the conflict,” pagtatapos pa nila.
Kaugnay nito, matatandaang nagawa munang magbabala si Vance bago siya pumuntang Pakistan sakali raw na tangkain ng Iran na paglaruan sila sa kanilang pakikipagnegosasyon para tapusin ang giyera.
Aniya, handang magbukas ng palad at yakapin ng US ang kapayapaan kung makikipagnegosasyon daw ang Iran sa kanila.
Buwelta ni Vance, malalaman naman daw ng Iran na hindi madaling linlangin o paglaruan ang grupo ng mga delegadong kasama niya sa Islamabad Talk.
KAUGNAY NA BALITA: 'If they’re gonna try to play us:' US VP JD Vance, may babala sa Iran
KAUGNAY NA BALITA: Trump, tutok sa kasunduang 'wag magkaroon ng nuclear weapon ang Iran!