Ni Rizaldy Comanda

CAMP DANGWA, Benguet - Matapos ang ilang taong pamumundok, nagpasyang sumuko sa pamahalaan ang dalawang kaanib ng Communist party of the Philippines-New People’s Army (CPP/NPA) sa Mountain Province, nitong Huwebes.

Ayon sa Police Regional Office, ang dalawa ay kinilalang sina Rogelio Balanon del Rosario, alyas Ka Eric, 41, squad leader; at Benny Lumidap Tuginay, alyas Ka Manny, 26, kapwa taga-Gonzaga, Cagayan. Isinuko rin ng dalawa ang kanilang armas.

Bukod sa dalawa, sumuko rin sa pulisya ang 17 pang supporter ng mga ito.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sinabi ng pulisya na sila ay kasapi ng Frank Guerilla Unit, na nakabase sa Gonzaga, Cagayan at nag-o-operate sa Cagayan at karatig-lalawigan nito.

Inamin ng mga sumuko na sila ay dismayado at nawalan ng tiwala sa pamunuan ng NPA, bukod pa sa pangamba at matinding pressure sa patuloy na opensiba ng pulisya at militar sa lugar.

Kabilang sa mga armas na isinuko ay ang isang carbine rifle; dalawang magazine nito; 10 piraso ng bala ng carbine; isang M16 rifle at iba’t ibang bala.