Ni Malu Cadelina Manar

Hinatulan kahapon ng hukuman ng habambuhay na pagkakabilanggo ang anim na katao, kabilang ang tatlong dating pulis, dahil sa pamamaslang sa isang negosyanteng Filipino-Chinese noong 2006.

Sinentensiyahan ni Judge Arvin Sadiri Balagot, ng Regional Trial Court (RTC) Branch 17, sina SPO1 Rene Mamburam, SPO1 Ignacio Rinsulat, at PO3 Edwin Pacana, ng Kidapawan City Police; gayundin ang mga self-confessed hired killers na sina Reynaldo Camus, Roland Gabais, at Ramil Silonga, sa pagpatay kay Roger Ong noong Marso 9, 2016.

Sa desisyon ng korte, inamin ni Camus na pinatay nila si Ong sa pangako ng tatlong pulis na magbabayad sa kanila ng P150,000.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Batay sa record ng korte, isa ring Filipino-Chinese, si Robert Ong, ang itinuturong utak sa krimen. Pumanaw na si Robert Ong sa isang sakit.

Iniutos din ng korte na bayaran ng mga akusado ang pamilya ng biktima sa nagastos na pagpapaospital at pagpapalibing dito na nagkakahalaga ng P318,572, P100,000 moral damages, P100,000 civil damages, at P100,000 exemplary damages.