CARACAS (AFP) – Nagkasundo ang Venezuela at Panama nitong Miyerkules na ibalik ang kani-kanilang ambassadors at itatag muli ang air links sa kanilang pagbabati matapos ang diplomatic row, inihayag ni Venezuelan President Nicolas Maduro nitong Huwebes.

‘’We have agreed to return ambassadors to Panama and Venezuela... and resume air links from tomorrow,’’ ani Maduro sa reporters matapos makausap sa telepono si Panama President Juan Carlos Varela.

Naging tulay sa kanilang pag-uusap si Dominican Republic President Danilo Medina, na inaayos din ang pag-uusap sa pagitan ng gobyerno ng Venezuela at ng oposisyon, na nasira noong Pebreo.

Pumutok ang diplomatic crisis noong Marso nang isinama ng Panama ang ilang matatas na opisyal ng Venezuela at si Maduro, sa listahan ng mga indibidwal na itinuturing na ‘’high risk’’ ng money laundering. Bilang tugon, sinuspinde ng gobyerno ni Maduro ang economic ties sa 100 negosyong Panamanian, kabilang na ang Copa Airlines, isa sa main carriers na nag-uugnay sa Venezuela sa iba pang lugar sa rehiyon.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture