Ni Bella Gamotea

Sugatan ang isang basurero makaraang saksakin ng kasugal sa Makati City, nitong Miyerkules ng gabi.

Nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Makati (OsMak) si Allan Maycugmaon, 40, ng Hagonoy Street, Taguig City, na nagtamo ng saksak sa dibdib.

Nagsagawa ng manhunt operation laban sa suspek na kinilala lamang sa alyas na Payat, nasa hustong gulang.

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

Sa inisyal na ulat ng Southern Police District (SPD), naganap ang pananaksak sa 4050 Bernardino St., Laperal Compound, Barangay Guadalupe Viejo, Makati City, dakong 11:40 ng gabi.

Nagsusugal umano ang biktima at ang suspek nang magtalo at magpalitan ng maaanghang na salita dahil sa umano’y pandaraya ni Maycugmaon, at tuluyang nauwi sa pananaksak.

Kumaripas ang suspek sa hindi batid na direksiyon habang isinugod ng mga residente ang biktima sa nasabing ospital.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.