WBO regional title asam ni Martin vs Tanzanian

NI DENNIS PRINCIPE

AKSIYONG umaatikabo ang inaasahang mapapanood ng sambayanan sa pakikipagtuos ni Ifugao teen prospect Carl Jammes Martin kontra Hashimu Zuberi ng Tanzania sa 12-round WBO regional youth title sa Lagawe Central School Gym sa Lagawe, Ifugao.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

mitra

Kapwa pasado sa weigh limit ang dalawa sa ginanap na weigh-in kahapon, na pinangasiwaan ng Games and Amusement Board (GAB).

Target ng 18-anyos na si Martin,tumimbang ng 118lbs, ang ikalawang regional belt, na puntiryang silatin ng Tanzanian sa harap nang inaasahang dadagsang local crowd.

Bukod sa napagwagihang dalawang local title sa nakalipas na taon, nakopo ni Martin (7-0, 6 knockouts) ang Asian Boxing Council (ABC) Continental bantamweight crown nang pabagsakin si Artid Bamrungauea ng Thailand sa second round ng kanilang 10-round contest noong Disyembre 23 sa DepEd Gymnasium sa Lagawe.

Sa kanyang unang laban ngayong taom, nakataya ang bakanteng World Boxing Organization (WBO) Asia Pacific Youth Bantamweight crown, sa kanyang pagsagupa kay Zuberi.

“Zuberi moves a lot and he seems to throw solid shots. This is the fight I want to get at this point of my career,” pahayag ni Martin. “Through this fight, I may be able to know my real worth as a boxer.”

Ngunit, hindi pipitsugin ang 22-anyos na si Zuberi (14-2, 4 KOs) na galing sa matikas na anim na sunod na panalo, tampok ang apat via knockout. Tumimbang ang Bagamoyo-native sa bigat na 117 lbs.

May limang amateur supporting bouts ang mapapanood sa boxing promotion na sanctioned ng Games and Amusements Board (GAB).

Nagpaabot naman ng kanyang suporta si GAB Chairman Abraham Kahlil ‘Baham’ Mitra sa batang si Martin na posibleng madagdag sa lumalaking bilang ng mga Pinoy world champion sa kasalukuyan.

“The prospect for Martin to become a world champion at his young age is eminent considering his talent and big fighting heart,” pahayag ni Mitra.

“Natutuwa po kami sa GAB at mula nang simulan natin ang programa para sa libreng medical ng mga Pinoy fighter, dumami ang mga kabataan na sumasabak sa sports at nadadagdagan ang mga local promoter sa boxing,” sambit ni Mitra.

Aniya, ang pagdami ng boxing promotions ay makatutulog rin sa pagdami ng mga boksingero dahil marami na ang fight card na malalahukan ng mga ito.