Ni Annie Abad

KABUUANG 49 Local Government Units (LGUs) ang makikibahagi sa final leg ng Philippine Sports Commission (PSC) -Pacquiao Cup na umiikot sa buong bansa.

Ayon kay Project Director Annie Ruiz, inaasahan nila ang pagsabak ng kabuuang 112 boxers sa National Finals ng nasabing palaro na inorganisa ng PSC katulong si Senator Manny Pacquiao.

Sa kabuuan, umabot ng 290 boxers ang lumahok sa nasabing boxing competition kung saan ay maghaharap harap sa National Finals na gaganapin sa mismong baluarte ni Pacquiao na Saranggani City.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Umabot sa 21 LGUs ang lumahok sa Luzon kasama ang kanilang 98 boxers, 16 sa Visayas kasama ang 103 boxers at 12 sa Mindanao na may bitbit na 89 boxers.

“We are expecting 112 boxers to participate in the National finals,” pahayag ni Ruiz, kung saan ipinaliwanag din niya mga insentibo na makukuha ng mga boxers sa nasabing kompetisyon.

“We are covering the transpo and meal allowances ng mga boxer, 600 sa meal and 600 sa transpo, so that’s 1,200 pesos. Ayaw naman namin na maglaro sila just for the money, but we need na maibalik naman yung gastusin nila,” ani Ruiz.

Tatanggap ng P6,000 ang magwawagi ng ginto sa National Finals, habang P4,000 naman sa silver at P2,000 sa bronze.