Ni Genalyn D. Kabiling

Matapos tanggalin sa Social Security System (SSS) dahil sa isyu ng pampublikong pondo, muling nagbabalik sa serbisyo ng pamahalaan si dating Commissioner Jose Gabriel La Viña.

Itinalaga ni Pangulong Duterte si La Viña bilang bagong undersecretary ng Department of Tourism (DoT), kinumpirma kahapon ng Malacañang.

Papalitan ni La Viña si Rolando Cañizal, na nagsilbing undersecretary for administration and special concerns ng DoT.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Pebrero ngayong taon nang nagdesisyon ang Pangulo na hindi i-renew ang termino nina La Viña at SSS Chairman Amado Valdez. Kalaunan ay ipinaliwanag ng Malacañang na sinibak si La Viña sa paghingi ng P26 milyon para sa isang social media project, na hindi inaprubahan.

Bukod kay La Viña, itinalaga rin ng Pangulo si Benny Antiporda bilang undersecretary ng Department of Environment and Natural Resources, at si Agnes Grano at Rosario Sagadal bilang mga komisyuner ng National Labor Relations Commission.