Ni Ariel P. Avendaño

CABANATUAN CITY – Tatlong katao na umano’y sangkot sa ilegal na droga at pagnanakaw ang napatay sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya bago maghatinggabi nitong Lunes.

Sa Cabanatuan City, napatay si Edwin Almerido, aka “Bunganga”, 54, ng Barangay Bangad, sa buy-bust operation bandang 9:40 ng gabi.

Ayon kay Cabanatuan City Police chief Supt. Ponciano Zafra, nakatunog sa buy-bust ang suspek, na kabilang umano sa high-value target ng pulisya.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Narekober umano sa crime scene ang isang .38 caliber revolver at 10 sachet ng hinihinalang shabu.

Sa San Jose City, nasawi rin si Ronnie de Guzman nang makipagbarilan sa mga pulis, sa pangunguna ni Supt. Marco Dadez, na magsisilbi sana ng arrest warrant laban sa kanya sa kasong robbery/holdup, sa Bgy. Sto. Niño, bandang 7:00 ng gabi.

Nasamsam umano sa lugar ng bakbakan ang isang .45 caliber pistol. Patay din sa Talavera si Eddie Esquivel, ng Bgy. Maestrang Kikay, bandang 10:30 ng gabi makarang manlaban sa buy-bust.

Nakumpiska umano mula sa kanya ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu, P500 marked money, at isang .38 caliber revolver.