Ni Mary Ann Santiago

Magkakaloob ng libreng sakay ang Metro Rail Transit (MRT)-Line 3 sa lahat ng manggagawa sa Mayo 1, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-116 Araw ng Paggawa sa bansa.

Nabatid na ang libreng sakay sa mga manggagawa ay ipatutupad ng Department of Transportation (DOTr)-MRT3, batay sa kahilingan mismo ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Ang libreng sakay ay mula 7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga, at mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi sa Mayo 1, Martes.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kinakailangan lamang umanong magprisinta na company ID ang mga manggagawa, mula sa pampubliko at pribadong sektor, upang makasakay nang libre sa MRT.