Ni JIMI C. ESCALA

MARAMING gugulatin ang Kapamilya network sa malapit na pagbubukas ng state-of-the art soundstages backlots na katulad sa Universal Studios sa Hollywood, kuwento sa amin ng isang executive ng ABS-CBN.

Ilang buwan na lang daw ay ililipat na sa nasabing lugar ang lahat ng “live shows” ng Dos, kasama na rin ang taping ng kanilang drama shows at sitcoms.

Dagdag pa rin ng kausap namin, magbabago ang tapings ng shows at live shows ng Dos once magbukas na ang ipinagmamalaki nilang soundstages at backlots.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Kahit sakop ng Bulacan ang lugar ay hindi naman gaanong kalayuan ang bagong studios ng Dos. Baka wala pang 30 minutes mula sa Manila ay mararating na agad ang naturang soundstages.

Ayun pa rin sa source, nagtayo rin ang Dos ng mala-Araneta Coliesuem sa nasabing lugar para pagdausan ng special live shows, tulad ng ASAP.

“Bongga talaga, puwede rin ito sa mga concerts ng mga talents siyempre ng ABS-CBN,” napatawa pang banggit ng kausap namin.

So, medyo mahirapan ngayon ang fans dahil kailangan pa nilang lumuwas sa Bulacan para lang manood ng ASAP?

“Well, hindi naman, madaling sumakay papunta at doon mismo hihinto ang mga sasakayan,” katwiran ng kausap namin.

Sey pa ng source, pati sila ay naghahanap na ng lupa o bahay sa San Jose Del Monte para matitirhan. Marami na raw kasi sa talents ng Dos ang tumitingin na ng lugar na maaari nilang lipatan, sa sandaling doon na gagawin ang tapings at live shows ng ABS-CBN.