Ni Marivic Awitan

MULING nakabalik sa championship round sa UAAP women’s volleyball ang Far Eastern University matapos ang siyam na season nang sopresahin ang liyamadong Ateneo, 25-20, 25-21, 14-25, 25-19, sa Final Four match-up nitong Sabado sa MOA Arena.

Kumubra si graduating hitter Bernadeth Pons ng 17 puntos, 16 digs at 19 excellent receptions para Lady Tamaraws, target na pawiiin ang 10 taong pagkauhaw sa titulo.

Nag-ambag si Toni Rose Basas ng 17 markers.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Pinaghirapan namin ‘yun, pinlano namin talaga, nag-usap-usap kaming mga players, ang dami naming sinakripisyo para makarating dito dahil, ten years na medyo isang dekada na wala sa Final ang FEU,” sambit ni Lady Tamaraws coach George Pascua.

Dahil sa kabiguan, pormal na ipinahayag ni Thai coach Anusorn “Tai” Bundit ang pagbibitiw ilang coach ng Ateneo volleyball team.

“Yes,” simpleng pag-amin ni Bundit nang tanungin kung tapos na ang kanyang trabaho bilang coach ng Ateneo.

Nabigo pagkaraan ng apat na sunod na finals appearance ang Lady Eagles na makausad ng kampeonato ngayong Season 80 dahil sa 4-sets na kabiguan nila sa Lady Tamaraws.

Sa ilalim ni Bundit , nagwagi ang Ateneo ng back-to-back championships noong Seasons 76 at 77,bago nagtapos na runner-up sa nakaraang dalawang seasos.

Bagamat nalulungkot sa pagtatapos ng kanyang stint bilang Ateneo coach, masaya na rin si Bundit dahil aniya ay magkakaroon na siya ng panahon upang makapiling ang kanyang pamilya sa Thailand.