Ni Liezle Basa Iñigo

DAGUPAN CITY, Pangasinan - Walong baril ang isinuko sa pulisya ng isang abogado sa San Fabian, Pangasinan.

Kabilang sa isinuko ni Atty. Gerald Gubatan, 47, ng Barangay Poblacion, Dagupan City, ang apat na .38 caliber revolver, at apat na 12-gauge shotgun na nakarehistro sa kanyang pangalan.

Paglilinaw ng pulisya, pansamantalang inilagak sa kanila ang nasabing mga armas bilang pagsunod sa batas kaugnay ng election gun ban, na ipinaiiral ng Commission on Elections (Comelec) para sa Barangay at Sangguiniang Kabataang (SK) elections sa susunod na buwan.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands