Pelicans, inapula ang Blazers; Jazz at Sixers, umabante

NEW ORLEANS (AP) — Kinumpleto ng New Orleans Pelicans ang first round playoff sweep sa Portland TrailBlazers sa impresibong 131-123 panalo sa Game 4 ng kanilang best-of-seven Western Conference series nitong Sabado (Linggo sa Manila).

 HINDI lamang sa depensa, bagkus sa opensa nagningning si Anthony Davis para pangunahan ang New Orleans Pelicans sa pagwalis sa Blazers sa Western Conference first-round playoff. (AP)


HINDI lamang sa depensa, bagkus sa opensa nagningning si Anthony Davis para pangunahan ang New Orleans Pelicans sa pagwalis sa Blazers sa Western Conference first-round playoff. (AP)

Hataw si Anthony Davis sa naiskor na franchise playoff-record 47 puntos, tampok ang 33 sa second half,11 rebounds at tatlong blocks, habang kumana si Jrue Holiday ng 41 puntos para makausad sa second round – ikalawang pagkakataon sa kasaysayan ng Pelicans mula nang lumipat ang prangkisa sa New Orleans may 16 na taon na ang nakalilipas.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Makakaharap nila ang magwawagi sa series ng defending champion Golden States at San Antonio. Abante ang Warriors sa 3-0.

Nag-ambag si Rajon Rondo ng 16 puntos para sa Plelicans.

Nanguna sa Trail Blazers si C.J. McCollum sa nakubrang 38 puntos, habang umiskor si Al-Farouq Aminu ng 27 puntos, may 18 puntos si Damian Lillard at tumipa si Jusuf Nurkic ng 18 puntos at 11 rebounds bago na fouled-out.

TIMBERWOLVES 121, ROCKETS 105

Sa Minneapolis, ratsada si Jimmy Butler sa naitumpok na 28 puntos, tampok ang apat na three-pointers, habang tumipa si Karl-Anthony Towns ng 18 puntos at 16 rebounds, para sandigan ang Timberwolves kontra Houston Rockets sa Game Three para sa unang postseason victory sa nakalipas na 14 na taon.

Nag-ambag si Jeff Teague ng 23 puntos at tumipa si Andrew Wiggins ng 20 puntos, kabilang ang apat na 3-pointers, para sa Timberwolves. Kumubra si Derrick Rose ng 17 puntos mula sa bench para sa Minnesotta na magtatangkang maipatas ang serye sa Game Four sa Lunes (Martes sa Manila).

Nanguna sa Rockets si James Harden na may 29 puntos, at nagsalansan si Chris Paul ng 17 puntos bago na-fouled out.

JAZZ 115, THUNDER 102

Sa Salt Lake City, naitala ni Ricky Rubio -- 26 puntos, 11 rebounds at 10 assists – ang kauna-unahang playoff triple double sa Utah sa nakalipas na 17 taon.

Humugot din si top rookie candidate Donovan Mitchell ng 22 puntos para patatagin ang Jazz at angkinin ang 2-1 bentahe sa kanilang first round series.

Pinangunahan ni Joe Ingles, tumipa ng 21 puntos, ang 13-0 run mula sa dalawang three-pointer para hilahin ang bentahe sa fourt period may anim na minuto ang nalalabi.

Ang triple-double ni Rubio ang kauna-unahan para sa Jazz player sa postseason mula ng makasikwat si John Stockton noong 2001 playoffs kontra Dallas.

Nanguna si Paul George sa Thunder sa natipang 23 puntos habang kumana sina Carmelo Anthony, Russell Westbrook at Raymond Felton ng tig-14 puntos.

SIXERS 106, HEAT 102

Sa Miami, patuloy ang mataas na level ng laro nina Ben Simmons at Joel Embiid bilang playoff first-timers, habang ipinagkaloob ni JJ Redick ang kinakailangang lakas para sa isang beterano sa umusbong na ‘The Process’ sa Philadelphia.

Kung hindi, mababalahaw, tila maaga ang pagangat sa pedestal ng batang Sixers.

Tinanghal si Simmons bilang unang rookie matapos ni Magic Johnson noong 1980 na nakapagtala ng playoff triple-double, habang nanguna si Redick sa natipang 24 puntos para sa 3-1 bentahe ng Sixers kontra Miami Heat sa Eastern Conference first-round series.

“I’m shocked that we won this game,” pahayag ni 76ers coach Brett Brown. “We really didn’t have a right to win the game.”

Umiskor si Simmons ng 17 puntos, 13 rebounds, at 10 assists, habang hataw si Joel Embiid ng 14 puntos at 12 rebounds para sa Philadelphia.

“We took care of business,” sambit ni Embiid.