Ni Mina Navarro

Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese na wanted sa kanyang bansa dahil sa economic crimes.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang pugante na si Shi Hongye, 36, na dinakip sa labas ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 (NAIA 1) noong April 15.

Ayon kay Morente, ipatatapon si Hongye sa kanyang bansa matapos ilabas ng BI board of commissioners ang kanyang summary deportation order noong Nobyembre 17 ng nakaraang taon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

A n i y a , nagkaroon ng pagkakataon ang mga tauhan ng BI na mahuli si Hongye sa isang operasyon laban sa isa pang pugante na si Miao You Chun, na bigong maaresto.

Sina Hongye at Chun ay kabilang wanted list ng BI dahil sa pagtakas sa economic crimes sa China.