Ni Annie Abad

SAN JUAN, Ilocos Sur — Ginapi ng National Capital Region ang Calabarzon, 91-81, kahapon para makausad sa championship match ng 2018 Palarong Pambansa secondary basketball tournament.

Pinangunahan ni Gilas Pilipinas cadet Carl Tamayo ang Manila sa naiskor na 24 puntos, tampok ang anim sa matikas na 8-0 run sa third quarter para hilahin ang bentahe sa 50-38.

Binubuo ng mga players mula sa National University Bullpups, makakaharap ng NCR sa Finals ang Davao, nagwagi sa Western Visayas, 85-80.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ikinasiya ni NCR coach Goldwin Monteverde ang determinadong kampanya ng Manila laban sa Calabarzon na kinatawan ng mga players mula sa multi-titled NCAA side San Beda.

“Medyo flat sa umpisa, masaya ako at hindi naman nagpabaya at bumawi sa huli,” sambit ni Monteverde.

Nakalusot ang NCR sa Final Four nang gapiin ang Central Visayas sa quarterfinal nitong Huwebes.