Nina GENALYN D. KABILING at LEONEL M. ABASOLA

Pinag-iisipan ng gobyerno na maghain ng diplomatic action laban sa China dahil sa umano’y paglabag sa international obligation kasunod ng iniulat na presensiya ng dalawang warplanes nito sa isang artipisyal na island sa South China Sea (West Philippine Sea).

“The Secretary of Foreign Affairs has said that they are preparing and exploring the possibility of a diplomatic protest,” inilahad ni Presidential Spokesman Harry Roque sa news conference sa Palasyo.

“Obviously, if you consider a public diplomatic protest, then you consider the other state to be in breach of an international obligation,” dagdag niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dalawang Chinese military planes ang iniulat na namataan sa artipisyal na islang itinayo sa Panganiban Reef (o Mischief Reef), na nasa loob ng exclusive economic zone.

Sinabi kamakailan ni Foreign Affairs Secretary Alan Cayetano na beneberipika na ng gobyerno ang iniulat na presensiya ng banyagang barko sa lugar. Inamin niya na pinag-iisipan nila ang paghahain ng protesta at hindi hinihintay ang kumpirmasyon mula sa defense department.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na naghain ang gobyerno ng ilang protesta sa mga aktibidad ng China kabilang na ang pagpapalakas ng militar nito sa lugar. Tinututulan ng gobyerno ang anumang militarisasyon sa pinagtatalunang teritoryo dahil nagbabanta ito sa kapayapaan at seguridad sa rehiyon, ayon kay Roque.

Idinagdag niya na umaasa ang gobyerno sa pangako ng China na hindi na ito magtatayo ng mga karagdagang artipisyal na isla sa rehiyon.

‘WAG PALAMPASIN

Umaasa si Senador Rissa Hontiveros na hindi papalampasin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panghimasok ng China sa bansa sa paglapag ng military transport planes nito sa Panganiban Reef.

“Will the Duterte government also deport Chinese officials in the country for China’s illegal occupation of our territory?” ani Hontiveros.

Ito ang unang dokumentadong pagpasok ng mga Chinese sa teritoryong sakop ng Pilipinas.

Nauna ng hiniling nina Sens, Bam Aquino at Francis Pangilinan sa pamahalaan na maging bukas sa publiko kung ano talaga ang kanilang pinag-usapan.

“We demand transparency in the administration’s dealings with China. What else is the Philippines giving up to this new friendship?” sinabi ni Aquino.